2008-10-16

parang college

dahil nangingibabaw na naman ang extra curricular activities ko kesa sa pag-aaral. kaloka. kahit pa may paper ako na due na in a few days, wala pa rin akong nagagawa. 1500 words lang naman, pero lola ang research na kelangan gawin. di na puwede ang bola bola dito! hahay.

masaya kagabi kasi nagpintura lang kami ng bed sheet para sa banner sa stand up take action event namin bukas sa school. eepal ako sa harap ng maraming nasyonalidad ng iba't-ibang bansa para hikayatin na magsalita laban sa kahirapan. kaloka. kahit nung college, di ako umepal na hosting churvalu. behind the scenes lagi. pero sige na lang. kumapal na mukha ko sa mga nagdaang taon. at marami na rin akong natutunan kay toni gonzaga sa kakapanuod ng big brother. charing.

wala lang. masaya ako. sana okay ang execution bukas. marami kaming naghirap para dito. nakakatuwa ang teamwork kahit pa multicultural kami. sana ganun kadali ang united nations. harhar.

yun lang. bow. nagsasayang ng oras na dapat nakalaan sa research. tigang sa internet. hehe!

0 comments: