di ko alam kung ano ang lahok na nababagay sa tema ngayong linggo, bukod sa pag-gamit ng imahe ng mga bansang nasa kanluran. naisip ko, bakit di na lang kanlurang bahagi ng pilipinas? bakit nga hindi!
sa tulong ni kaibigang google, hinanap ko kung ano ang lalabas. sulu-tawi-tawi. sakto, may mga dati akong larawan na nakuha sa biyahe ko dun mga tatlong taon ang nakalipas.
ang mga bangka ang pinaka-transportasyon ng mga tao sa tawi-tawi. tila sila mga motor at jeep sa ating kalsada. ang dagat ay isang malaking hi-way.
dito sa timog-kanlurang bahagi ng pilipinas, ibang-iba ang buhay ng mga pinoy. halos pinupulot lang ang pagkaing dagat pero nagmamahalan ang bigas at asukal.
sa pagtulog... ang oyayi ng dagat.
isang masayang karanasan ang pagbisita ko sa tawi-tawi. simpleng buhay, simpleng tao.
2008-07-26
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Nakakaaliw itong kuha mo! Parang isang mahabang linya ng mga bangka tapos puwede kang magpalipat-lipat!
Ang layo:) Ganda nung tubig at langit sa litrato mo, parang magkarugtong lang:D
Sa akin naman, ang nakatawag ng aking pansin ay ang mga ulap. Parang isang manipis na kumot na nakatakip sa langit, handa nang matulog.
Post a Comment