2009-03-19

litratong pinoy: paboriting alahas

hindi ako mahilig mag-alahas. ayaw kong nagsusuot ng tunay, marahil dahil commuter ako. bukod sa masaya na akong magsuot ng fancy na mabibili ng 3 for P100. at least hindi masakit sa loob kung mawala. na madalas mangyari sa aking mga alahas.

ngunit ngayon, meron na akong suot-suot palagi -- ang aking engagement ring at wedding ring. :)

ang larawan sa baba ay ang engagement ring na pina-custom made ng asawa ko para sa proposal niya sa akin. peridot ang bato, na birth stone ko pala. di ko man lang malalaman kung di dahil sa regalo niyang singsing.

kahit na hindi ako mahilig sa alahas, palagi ko nang suot suot ito kasama ng wedding ring ko. lalo na ngayon na malayo kami sa isa't-isa ng panandalian, isang alaala na merong naghihintay sa aking pag-uwi.




5 comments:

SASSY MOM said...

Aww.. ang sweet! At hindi mo pa malalaman ang birth stone mo kundi dahil sa kaniya,hehe! Happy LP!

Thess said...

Yan ang pagpapatunay na ikaw lang ang lagi nya iniisip at wala ng iba pa, how sweet! (^0^)

Happy LP!

regards,
www.thesserie.com

Joe Narvaez said...

Astig ang singsing na yan. Sentimental. Pareho tayo hehe.

Carnation said...

wow romantic! ito sa akin: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/03/lp50-paboritong-alahas-favorite.html

fortuitous faery said...

uy, pasadya pa pala ang singsing mo...extra-special! :)