matagal-tagal na rin mula nung aking huling lahok sa litratong pinoy. mabigat na rin kasi ang mga gawain para sa paaralan...
bag. isang bagay na malapit sa aking puso dahil hindi ako maaring mawalan ng bag kung ako ay lalabas. marahil kaya ako nahikayat na mag-post muli.
*****
ang mga tropa ng pinoy na nag-aaral sa paaralan namin ay naisipang magbakasyon sa italy. sa laki ng grupo namin, nagkahiwa-hiwalay ayon sa nais mapuntahan. may nag-venice, nag-roma at kami naman ay napadpad sa lucca. masyado kasing mabigat sa bulsa ang venice o roma.
wala sa plano ang pagpunta sa lucca. at huling araw na namin ito sa italy. pabalik na kami sa pisa kung saan ang airport. dahil madadaanan namin ang lucca, naisipan namin na dito pumunta. ngunit dahil wala sa plano, bitbit namin ang aming mga kagamitan. dahil linggo nung araw na iyo, sarado ang tourist office. napilitan kaming mag-ikot ng maliit na siyudad ng lucca bitbit ang mga bag na ito.

hindi maikakaila na turista! bukod sa halatang hindi kami taga-europa, height pa lang. haha! bagamat mabigat at nakakapagod magbitbit, sa ganda ng lugar, hindi namin maiwasang lumisan ng lucca na maligaya. kahit pa sarado ang karamihan ng mga mapupuntahan. bukod pa sa walang-tigil ang ulan.
ngunit kelan ba napigilan ng mga bagay na iyan ang taong may nunal sa paa? ;p
14 comments:
haha, turista nga! bitbit ang bahay sa maleta...:P pero yun ang masaya, yung wala sa planong mga adventures! :)
Nakaka-"Lucca" namang bitbitin ang ganyan karaming bag habang nag-iikot - hahaha! Di bale, nag-enjoy pa rin naman kayo - yun ang mas importante, di ba? ;)
ang daming bag niyan, mukha ngang turista lalo na kung may mga bitbit na kamera :-)
happy LP at tenkyu sa pagbisita!
ang dami ah, tingnan ko pa lang yung mga bag nyo, pagod na ako,lalo na siguro pag binuhat ko.
haha! true kayo. tapos friday to monday lang yun. hehe! pero apat naman kami. kaso lang di pa naisama iyong isang bag kasi nauna yung isa. haha.
grabe ito! ang dami!!!
spiCes
Ay ang dami ngang bag niyan. Haha. Ang bigat sigurong dalhin... pero ibang blase ang adventure niyo. Happy LP!
ang hirap kaya magliwaliw na may dalang malalaking bags.
Happy LP!
kerslyn
heto lahok ko..http://www.acelynnierva.com/photography/litratong-pinoy-bag.html
Ay, yan ang masayang adventure :) Ok lang kahit malalaki ang bag, basta masaya :)
Happy Thursday!
My LP:
http://greenbucks.info/2009/03/05/made-in-the-philippines/
buhay estudyante basta foreigner, malalaking bag! buti nakapaglibot kayo :)
to answer your question: oo dito ako nakatira sa Holland. which school are you going to, if I may ask?
groetjes!
Thesserie.com
...wow ang daming bags... ganyan din ako pag nag lalakbay, ang daming dal... heheh
...happy lp, akin lahok...
eto ang tumalo sa 11kg na bag ko =))
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
natawa ako sa linyang "height pa lang..." hahahaha...
uhmm...gusto ko din po magtravel. at dahil sinabi niyo po na mahal sa venice and rome, naku..kelangan na magipon2 hahaha. malaki nag budget hahah
eto naman po ang aking entry dis week:
BAG :D
HAPPY LP PO ! :)
nakakatuwa. :) daming bag!!!
sana makarating din ako sa mga lugar na ganayan kadami ang bag ko. :)
ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-bag/
Post a Comment