2008-12-05
LP36: Eksayted! (excited)
Iilang buwan na rin akong delinkwente sa aking paglahok sa lingguhang litratong pinoy. kasalanan na rin siguro ng pansamantalang pag-alis sa bansa para mag-aral sa netherlands.
at di ko na kayang matiis pa ang tikisin ang lumahok sa litratong pinoy dahil sa temang eksayted. masaya nga talaga ang makita ang niyebe sa unang pagkakataon. sa sobrang tuwa ay di na nagsuot ng angkop na kasuotan para di lamig. kelangan makunan ng larawan ang pagbagsak ng yelo sa bubungan ng tirahan ng mga mag-aaral.
kaya ayan... namumulo na ang mga daliri sa paa dahil nakatsinelas lang. pero di bale... kakaiba talaga ang tuwa na naramdaman sa araw na iyon na nakakita ng niyebe sa unang pagkakataon. at sa bawat araw na may niyebe... patuloy pa rin ang pagkamangha. :P
Labels:
just so stories,
litratong pinoy,
netherlands,
photos,
snow
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
hi, niyebe pala ang tawag sa snow sa tagalog? ngayon ko lang alam yan. salamat sa impormasoyong ito. medyo pareho tayong kuwento tungkol sa pagiging eksayted. nandito yong LP entry ko: http://sweetcarnation.blogspot.com/2008/12/snow.html
kung tingnan mong mabuti nakabalot ang sapatos ko ng plastic bag ha ha ha!!!
Post a Comment