2008-10-27

maligayang kaarawan mahal ko

hindi magandang ideya ang pakinggang ang jazz mix na gawa mo habang nag-aaral. nang marinig ko ang tinig ni julia fordham, may lalim ang lungkot at tumindi ang pangungulila. alaala nuong simula natin... patambay-tambay sa 1710 habang nakikinig kay julia. maraming kuwentong dala ang kanyang tinig. di lang sa atin kungdi maging iyong kasaysayan...

maari namang itigil at palitan ng iba pa na mas masaya. mas makakatulong sa pag-aaral. pero pinili kong yakapin ang nararamdaman. isang pag-papaalala na ikaw at ikaw pa rin.

alam mo naman na malikot ang mata ko. at di ko pinalalampas ang mga kuwento. totoo, may kilig, may tuwa. ngunit hinding-hindi nila maibibigay ang kapayapaan na naibibigay mo kapag ang ating mga palad ay nagkakadaupan. kapag nariyan ka lang sa tabi at tutok sa computer. kapag katabi sa pagtulog. payapa. yun ka. masayang kiligin paminsan-minsan, pero alam mo naman kapayapaan ang gusto kong hangtungan.

dahil hindi ko maipapadama ito sa pamamagitan ng hawak at yakap... ito na lang.

salamat at sinilang ka. dahil sa iyo, payapa buhay ko. :)

0 comments: