2008-08-21

LP#21: mithi


sa pagpasok ng taong ito, sa halip na paputok ang salubong namin (at dahil na rin bawal ang paputok sa davao), nagtungo kami ng aking ina at kuya sa labas ng bahay at nagsindo ng walong kandila. bawat kandila ay may kahulugan. nakalimutan ko na kung ano ang ibig sabihin ng bawat kulay, pero meron duon para sa kalusugan, karera, pangarap, spiritwalidad at kung anu-ano pa.

bawat dila ng apoy ay binibiyak ang kadiliman ng gabi. isang tahimik na pagbati sa pagdating ng taon. sa aming mga puso, pag-asa ng mas magandang bukas.

isa sa mga hiling ko, matiwasay na pagsasama ng aming pamilya at ng magiging bagong pamilya. isa pa ay makakuha ng scholarship para mag-aral sa ibang bansa. mabait ang Panginoon, pareho ko silang nakuha.

kung tunay, wagas at makakabuti ang mithi... mapagbigay ang Diyos. yan ang isa sa mahahalagang aral na natutunan ko. :)

12 comments:

arvin said...

Astig, nakakuha ka ng scholarsip:D Ako kaya, makapag-aral sa ibang bansa? hehehe. Tsaka teka, bawal ang paputok? Grabe naman, paano na ang mga naggagandahang mga pailaw? Happy LP!

Ito nga pala ang aming lahok, Aking tala.

sweetytots said...

naway makamit mo ang iyong mga minimithi

Masdan po ang aking mithi sa lahok ko at gusto ko sang hingin ang inyong suporta, ako po ay nasa Top Momma prin! Magtatatlong araw na ako dito. Sana ay suportahan nyo ko sa pamamagitan ng pag click sa Top Momma Icon na makikita sa aking lahok at i-click muli ang litrato ng aking anak na gaya ng larawang ito na makikita sa TopMomma.com

Sa mga bumoto na at ngclick .. boto ulet.. pwede bumoto every 6 hours.. sa mga hindi pa.. please nman oh.. click lng nman eh.. Salamat at inaasahan ko po ang inyong suporta.

TeacherJulie said...

Dininig ang panalangin mo :)


Mithi

etteY said...

ang ganda ng larawan!

shutter happy jenn said...

Ay may nagbigay sa amin minsan niyan, isang set ng kandila para sa bagong taon.

Ang ganda ng pagkakuha mo nito.

DITO naman nakalista ang aking mithi.

admin said...

ang ganda naman ng mithi mo sana makamtam mo ang mga ito. ako medyo mababaw lang ang mithi ko sa ngayon hehe.
http://jennysaidso.com/2008/08/lp-i-want-to-eat-these.html

MrsPartyGirl said...

amen, hindi maramot ang Diyos para sa taimtin at selfless na mga mithiin.

uy congrats on your scholarship. mga ilang taon na ang nakakaraan at ang isa sa aking pinakamabuting kaibigan ay nakatanggap rin ng scholarship sa holland. ang pagpunta niya ng yuropa ay nagdulot ito sa kanya ng magagandang experiences na hindi matatawaran, sana maging ganun din para sa iyo. :)

good luck!

Mithing Paghimbing sa MyMemes
Mithing Pagpanalo sa MyFinds

agent112778 said...

hari nawa mag katotoo ang inyong mithi :)

saan po kayo sa davao?may kaiibigan po kasi ako sa samal island. mithi ko ring pumunta sa samal pero se CDO ang inuuna ko :)

Jeanny said...

Congrats at nakamit mo ang iyong mithi...God will surely guide you on your way. :)

Jeanny
Startin' A New LIfe

cross eyed bear said...

sa lahat, salamat sa pagdalaw.

arvin: yup bawal. madali lang mag-aral ng ibang bansa. well sa netherlands, madali lang. hehe!

agent112778: sa matina ako mismo. pero umalis na ako dun para maghanda ng mga kailangan sa scholarship ko. hehe! punta ka samal! ganda dun!

fortuitous faery said...

naalala ko bigla yung mga color-coded na kandila sa simbahan ni st.jude sa manila...yung green para sa pera, pink sa pag-ibig, etc.

Anonymous said...

congrats, you are truly blessed!