2008-08-15

LP#20: liwaliw

the surfing instructors
isa sa mga pinaka-kakaiba kong karanasan sa aking mga bakasyon ang pagsubok na mag-surfing sa lanuza, surigao del sur. wala talaga sa plano naming magbabarkada na gawin ito. road trip lang talaga sa SDS yung balak namin.
pero matapos naming maikot, napadpad kami sa lanuza. naisip namin... bakit hindi? sayang naman ang pagkakataon na gawin yun. at yun na... sinubukan namin. ako yata ang pinakahayok at halos di ko na bitiwan ang long board sa kakasubok na tumayo. sa awa ng Diyos nagawa ko naman ng limang segundo. matagal na yun!
ang dalawang lalaki na nasa larawan ang aming surfing instructors para sa araw na iyon.
ito ang aking lahok ngayong linggo para sa litratong pinoy. :D

5 comments:

fortuitous faery said...

astig naman ng mga surfing instructors mo...pati ng mga surfboards nila!

buti ka pa, nasubukan mong magsurfing!

dito naman ako nagliwaliw...

marikit said...

ang galing ng mga surfboards. parang may tatak pinoy ha. at totoo sabi ni faery, buti ka pa nakapag surfing na. :)

happy LP!

M said...

wa kang picture with u surfing in action? hehehe.

Dyes said...

wow, ok sa liwaliw! sarap daw mag surf sa siargao, malapit lang din ba yun sa lanuza?

up na yung sa akin sa http://yaneeps-pics.blogspot.com/

cross eyed bear said...

nakalimutan ko banggitin na ang surfboard ay gawa sa bamboo! yun yung top layer. pinoy na pinoy nga talaga. :)

m: meron. hehe! ;p

dyes: the other surigao ang siargao. surigao del norte. ang lanuza naman sa surigao del sur. usually after international competes sa siargao, a few weeks after lanuza naman bagsak nila. hehe.