2008-07-21

LP#16: luntian

huwebes pa dapat ang lahok na ito ngunit dahil maraming gawain, nawalan ako ng panahon na mag-sulat sa blog. ang dami pa namang kuwento. at di pa ako tapos ng aking pagbigay-pugay sa palawan.

sa ngayon, ito munang litratong pinoy.

malapascua at 10AM

kung dagat ang tinutukoy sa isang usapan, ang kadalasang kulay na pumapasok sa isip ay asul. ngunit may mga pagkakataon na ang matingkad na kulay ay luntian.

ito ay ang baybay ng malapascua island sa cebu. mga alas-otso pa ito ng umaga. napakaganda ng panahon para lumangoy at maglakad-lakad sa dagat. nakakatuwang matanaw ang bughaw na langit at puting ulap. nakahilera ang mga puno ng niyog, berde din ang mga dahon. at sa ibaba nito ang luntiang dagat. ngunit mas nakakaliw na, ikaliwa mo lang ng konti ang tingin mo at ito na ang makikita.

malapascua at 10AM

iisang dagat, dalawang kulay. di ba't ang saya?!


1 comments:

Thess said...

Ang ganda ng shots mo!! OO nga, ang dagat may 2 matingkad na kulay luntian at asul =)

thesserie.com