Maliit pa lang ako, pangarap ko nang mapuntahan ang lungsod ng Athens kung saan diumano ay naglakad ang mga diyos at diyosa ng mitolohiyang Griyego.
Natupad na rin aking pangarap nuong nakaraang Hulyo.
Ang di ko akalain ay mayroon din palang "changing of the guards" katulad ng nagaganap sa tirahan ng reyna ng Britanya sa Athens. Bawat oras ay may palitan ng mga guwardya sa harap ng National Parliament nila.
Naaliw ako dahil kakaiba ang kanilang paglalakad. Para silang nag-e-ehersisyo. O di naman sumasayaw ng mabagal sa musika ni Michael Jackson na "They Don't Really Care About Us." At sino ba naman ang di matutuwa sa pompom sa sapatos ng mga gwardiya o tassle sa likod ng kanilang mga tuhod. At napapaisip ako, "ang init ng suot nila. buti buhay pa sila!"
2009-09-03
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
Duty calls sabi nga. :)
Ito naman ang aking lahok ngayon.
kaaliw naman hehehe
eto naman po ung akin :D
Lakad. Lakad :)
HAPPY HUWEBEST KA-LP :D
I would love to see that! OK ang lakad mo =)
Happy LP!
Thess
nakakatuwa ang uniform nila, at ang ganda ng litrato mo.:P
interesting pics.. buti nga at buhay pa sila he he
Huwaw! :)
Post a Comment