2008-08-06
LP#19: ako
ang daan na yan ay papunta sa isang area namin sa malitbog, bukidnon. ang tatlong lalaki sa daan na yun ay mga kasama ko para bumisita sa komunidad na tinutulungan. ako ang kumuha ng larawan. that road leads to one of our areas in malitbog bukidnon. those three guys are my companions so we can visit the area. i'm the one who took the photo.
yan na ang pinakamadalang bahagi ng daan. higit isang oras pa ang nilakad namin para marating ang tuktok. mga bente minutos dun, halos 50 degrees ang angulo ng bundok kaya hingal na hingal kami pagdating sa taas. that is the easiest part of our travel. it took us more than an hour to reach the top. around 20 minutes of that, we had to climb a 50-degree incline so we were panting when we reached the top.
bahagi lang yan ng trabaho ko sa naraang limang taon. para makarating sa komunidad, kakailanganing sumakay sa motor. minsan umaabot ng tatlong oras sa motor para makarating. nakakaantok. minsan 15 hours sa bus. madalas lakad. may mga panahon na makailang-beses tatawid sa ilog. malas na lang kung malakas ang ulan. malas ko dahil di ako marunong lumangoy. that's part of the work i have been doing the last five years. just to get to a community, i'd need to ride a motorchyle. sometimes it's a three-hour motory ride. it makes me sleepy. sometimes it's a 15-hour bus ride. often we walk. there are times we have to cross the river several times. it's unfortunate if there are heavy rains. more unfortunate for me because i can't swim.
yan ang daan na nakasanayan ko sa nakaraang limang taon. pansamantalang magpapaalam para sa ibang pagkakataon. pero yang daan na yan patungo sa mga kapatid na nangangailangan... yan din ang daan na nagdala sa akin sa maraming kaalaman. that has been a road i have been used to the last five years. i bid a temporary goodbye for a new opportunity. but that road that leads to our brethren in need... that has been the road that led me to new learnings.
Labels:
adventure,
litratong pinoy,
nostalgia trip,
travel,
work
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
salamat at may mga taong katulad mo na me puso para tumulong sa mga nangangailangan.
maligayang araw!
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/08/lp-19-ako-up-close-and-personal.html
matarik na daanan ngunit tinahak niyo sa ngalan ng pagkakawanggawa...mabuhay ka! :)
Wow.. ang ganda ng lugar at ang ganda rin ng layunin ng inyong pagpunta doon.
Ang aking lahok para sa LP ngayong linggo ay narito. Daan ka ha? Salamat!
ipagpatuloy mo ang magandang gawain... happy LP... :)
http://linophotography.com
salamat sa inyong lahat sa pagdalaw.
bawat isa sa atin, may kanya-kanyang paraan ng pagtulong. naniniwala ako dyan. :D
Ganda naman diyan, naalala ko tuloy ang aking kabataan noong nagsisipagakyat din ako ng mga bundok.
Matingkad na orange ang kulay ng lupa. It must be rich in some kind of iron ore.
Salamat sa pag-share nito. Happy weekend!
magandang lugar... magandang larawan! :-)
Post a Comment