2008-07-03

signos

Image004.2


Ang Pinoy nga naman pagdating sa kakulitan! kakaiba nga talaga ang Pinoy pagdating sa talas ng isip pagdating sa kalokohan. Ilang beses na ba tayong napatigil sa ating paglalakad sa mga kalsa-kalsada para lang magbasa ng mga pangalan ng tindahan? Nakita niyo na ba ang James Tayloring? Naka-order na ba kayo ng Prince Fries? Tatak na nga yata ng ating lahi ang paglaruan ang pangalan ng kung sino o alin man.



Dito lang sa lalawigan ng Davao, maaaliw ka na lang sa dami ng mga pangalan ng mga tindahan. Tulad ng
Bill Gets Internet Shop, IsdaBest Pasalubong, Tina Pie from the Sky at ang paborito kong Harry Cutter Barber Shop. Ang larawan sa taas ay kuha naman sa Puerto Galera ilang bakasyon na ang nakalilipas. Di ko matiis na di magpa-henna!


Kaya naman kahit na nagtataasan na ang gasolina, nagdidilubyo na si Inang Kalikasan, meron pa ring dahilan para panandalian man o palagihan, may ikakasiya ang ang Pinoy.






Ito ang aking lahok para sa linggong ito sa Litratong Pinoy: Tatak Pinoy.

12 comments:

Ibyang said...

i agree. napaka-creative talaga natin pagdating sa mga salita :) walang panama ang mga english-english na yan.

sakay na sa aking jeepney:
http://awifescharmedlife.blogspot.com/2008/07/litratong-pinoy-jeepney.html

maligayang LP!

shutter happy jenn said...

Hahahahaha! Ang kulit! Tanging Henna? Hehehe. Ang galing talaga umisip ng Pinoy!

Ang aking lahok ay naka-post na rin sa aking blog:
Shutter Happenings.
Sana makadaan ka rin!

fcb said...

hanep talaga ang humor ng pinoy ano? merong flower shop na susan's roces, badminton center na shuttle's best at kung anu-ano pa!

maligayang LP!

Toni said...

I was gonna suggest that you enter this in Litratong Pinoy and ta-da! Entry mo nga! We are friendships forever.

Hehe.

Tawang-tawa ako sa banner. Panalo talaga ang Pinoy. Siya rin kaya copywriter ng Adonis? Witty eh!

Cabalen said...

nakaka-aliw... humahagikgik ako sa kakatawa pag nakakabasa ako ng ganito

eto naman sa 'kin:
http://www.pinaysakorea.com

cross eyed bear said...

salamat sa inyong lahat sa pagdalaw. nakadalaw na rin ako sa inyong mga tahanan.

toni: sa post mo last week ako napadaan ng LP, kaya salamat sa iyo. mukhang enjoy ang samahang ito. hehe! :)

Unknown said...

Natawa naman ako sa litrato.:D Tama ka, sobrang creative ang mga Pinoy. Naalala ko tuloy ang litrato ng isang Shoe Repair shop na ang pangalan ay "Hesus Shoe Repair". Meron syang sign na ganito ang nakasulat:

I will heel you
I will save your sole
I will even dye for you.

O di, creative? :D

Dr. Emer said...

Mahusay mag-isip at magaling magpatawa. Yan ang Pinoy!!!

Mabuhay ka, at magandang Biyernes sa iyo!

cross eyed bear said...

luna miranda: panalo! magaling ang copywriter nila. sana makita ko ang sign na yun! salamat sa pagbahagi.

dr. emer: makulay ang buhay ng pinoy. :)

DigiscrapMom said...

ok ah!!! :D ang cool!

happy weekend!

bluerain said...

hahaha. nakakatawa talaga ang mga pinapangalan ng mga pilipino sa kanilang mga tindahan. dyan nakikita ang kakaibang humor ng mga pinoy :)

Tes Tirol said...

medyo mabagal ako, pero nagets ko na din nung huli hehehe

happy lp!