naniniwala ako na hindi makakalimot ang pinoy. kailangan lang na may laging mag-paalala. nagtitiwala ako sa pilipino. kailangan lang niya ng paniniwalaan. ipagdasal natin na darating siya sa panahong kailangang-kailangan natin.
salamat, tita cory, at muli mong pinag-isa ang bansang pilipinas. nawa ay hindi namin hayaan ang aming mga sarili na muling makalimot. magkasama na kayo ni ninoy. salamat sa inyong dalawa... sa magkaibang paraan ng pag-alay ng buhay para sa pilipinas.